Mga natutunan ko sa iba't ibang tao.
“Minsan, kailangang lumayo para lang makita mo ng malinaw ang mga bagay bagay.” “Wag mong sabihing bibili ka ng kendi kung wala kang pera— Parang love lang ‘yan, kung papaasahin mo lang siya, ‘wag mo nalang guluhin ang mundo niya.” “Kapag handa kang humawak ng baril, dapat handa ka din tamaan ng bala.” “Dapat nga, habang tumatagal, lalong napapamahal.” “If you have to choose between your love and dreams… Piliin mo ang pangarap mo. Kasi kung mahal ka niyang talaga, maiintindihan niya. At kung dumating ang panahon, pagbalik mo at wala na siya, accept it. Hindi siya para sa’yo kasi hindi ka niya naintindihan. Hindi ka nga niya mahal.” “Kung hindi ka marunong mag sorry, mabuti pang huwag kang gumawa ng bagay na makakasakit… At kung marunong ka naman mag sorry, huwag mong gawing dahilan ‘yon para paulit-ulit na makasakit.” “Nakaka-inggit ‘yung mga matatagal nang magkarelasyon. Pero mas mainggit ka sa mga matitibay na magkarelasyon.” “Forget about the signs. Ikaw lang at ikaw lang ang makakaalam sa tunay mong nararamdaman.” Di ibig sabihin na mas pinili niyang maging magkaibigan kayo, wala ka nang halaga sa kanya. Mas pinili lang niya kung saan kayo magtatagal dahil ayaw ka niyang mawala sa kanya. “Sana sa langit na lang napupunta ang mga taong mapagpanggap. Ayaw ko kasi ng amoy ng nasusunog na plastik.”
-Farsighted people
-Tindera
-Sundalo
-Antique Vendor
-Madaming alam
-Ilang beses nang sinaktan
-Inggitera
-Nahuling hindi sumunod sa traffic light
-Friend zoned
-Satanas

